Panalangin sa Sto. Niño de Bustos
O butihing Sto. Niño de Bustos,
Pinupuri at Dinarangal ka namin
Ikaw na nagkatawang tao at nakipamayan sa amin;
Ikaw na nagpapahalaga sa buhay ng bawat isa sa amin
Ikaw na palaging nagdudulot ng kapayapaan sa amin,
Kami po ngayon ay humaharap sa Iyo at buong pusong nag-aalay ng sarili.
Tanggapin Mo ang aming pasasalamat
Sa lahat ng biyayang ipinagkakaloob sa amin, at
ang aming pagtitika sa lahat ng aming mga pagkakasala.
Muli po kaming lumalapit sa Iyo,
O aming Banal na Patron,
Lingapin Mo po kaming tumatawag sa Iyo at
Muli ay humihiling ng iyong paggabay at pagpapala;
Buksan Mo po ang aming mga mata
upang Makita Ka sa tuwina sa aming kapwa;
Buksan Mo ang aming mga tainga
upang marinig ang Iyong salitang nagbibigay-buhay,
Buksan Mo po ang aming mga labi
upang dakilain Ka namin sa lahat ng sandali;
Buksan Mo po ang aming mga kamay
upang maisagawa namin ang anumang nararapat;
Nawa’y tulungan Mo kami,
O Santo Niño ng Bustos,
at dinggin ang aming panambitan
sa iba pa naming mga pangangailangan
(banggitin ang kahilingan)
at nawa’y magamit namin
ang mga kahilingan naming ito
upang lalong maisakatuparan
anuman ang Iyong kalooban.
Hihihiling namin ito sa Iyo,
Hari naming nabubuhay, kasama ng
Ama at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
AMEN.